Monthly Archives
July 2025
Hinimok ng DOLE o Department of Labor and Employment ang mga Migranteng Pinoy na mag-impok at mamuhunan sa itinayong OFW o Overseas Filipino Worker’s Bank na nakatakdang buksan sa Oktubre.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, maaari nang humiram ang mga OFW na intresadong bumili ng shares o sapi sa naturang bangko upang maging part owner sila nito.
Partikular na hahawakan ng itatayong OFW Bank ang mga ipinadadalang remittances gayundin ang iba pang pangangailangan ng mga pamilya ng mga OFW’S.
Sinabi pa ni Bello na sabay na mapakikinabangan ng mga OFW’S ang itatayong OFW Bank gayundin ang ilulunsad nilang i-DOLE o ang ID ng DOLE kapalit ng OEC o Overseas Employment Certificate.
By Jaymark Dagala
OFW bank bubuksan na sa Oktubre—DOLE was last modified: July 11th, 2017 by DWIZ 882
Namamayagpag pa rin ang mga kaso ng ‘Tokhang for Ransom’ ng ilang tiwaling miyembro ng Pambansang Pulisya.
Ito’y ayon sa Movement for Restoration of Peace and Order ay sa kabila ng pagmamalaki ng PNP na walang kaso ng kidnap for ransom ang naitala sa nakalipas na dalawang buwan.
Ayon kay Teresita Ang See, tagapangulo ng grupo, batay sa kanilang tala, nakapagtala sila ng 11 kaso ng Tokhang for Ransom kung saan, pawang mga Tsino mula sa Binondo ang mga biktima.
Kasunod nito, umapela si Ang See sa publiko na huwag manahimik bagkus, ipagbigay alam lamang sa mga tulad nila ang mga kaso ng Tokhang for Ransom upang maiparating sa pamahalaan.
By Jaymark Dagala
‘Tokhang for ransom’ ibinunyag na namamayagpag pa rin was last modified: July 11th, 2017 by DWIZ 882
Naniniwala ang ilang mga eksperto at analyst mula sa Amerika at Gitnang Silangan na hindi pa tunay na nagagapi ang ISIS o Islamic State of Iraq and Syria.
Ito’y sa kabila ng malaking pagkalagas sa puwersa ng Islamic State gayundin sa pagkaunti ng mga lugar na kanilang nakukubkob, tatlong taon mula nang itatag ito ni Abu Bakr Al Baghdadi.
Giit ng mga eksperto at analyst, bumalik na sa pagiging insurgent force ang ISIS mula nang mabawi sa kanila ng Iraqi Forces ang bayan ng Mosul sa Iraq na isa sa mga pinakamalaking kuta ng Islamic State.
Batay sa datos ng American Intelligence and Counter Terrorism Office, nasa animnapung libong (60,000) Islamic State fighters ang napatay mula noong Hunyo 2014 kabilang na ang daan-daang pinuno ng mga ito.
By Jaymark Dagala
ISIS hindi pa tuluyang nagagapi—analysts was last modified: July 11th, 2017 by DWIZ 882
Kumpiyansa ang kampo ni Vice President Leni Robredo na sa basurahan lamang didiretso ang inihaing protesta laban sa kaniya ni dating Senador Ferdinand Bongbong Marcos Jr.
Ayon kay Atty. Romulo Macalintal, abogado ni Robredo, ito’y dahil sa ginagawang fishing of evidence ng kampo ni Marcos.
Wala rin aniyang bago sa isinumiteng prelimenary brief ng kampo ni Marcos sa P.E.T. O Presidential Electoral Tribunal kaya’t dapat lamang itong mabasura.
Giit ni Macalintal, hindi na kailangan pang bungkalin pa ang mga balota para sa isang recount dahil malinaw naman ang naging pagkapanalo ni ginang Robredo sa pagka Bise Presidente.
By: Jaymark Dagala
Electoral protest ni BBM sa basurahan na ang diretso – VP Leni Camp was last modified: July 11th, 2017 by DWIZ 882
Inilatag na ng DPWH o Department of Public Works and Highways ang kanilang master plan para sa gagawing rehabilitasyon o muling pagbagon ng Marawi City.
Ito’y kahit hindi pa man tapos ang isinasagawang clearing operations sa lugar gayundin ang manaka-nakang bakbakan sa pagitan ng militar at ng Maute terror group.
Unang nakalatag sa plano ang pagtatayo ng emergency shelters para sa libu-libong bakwit, mga gusali ng pamahalaan na magbibigay ng agarang serbisyo para sa mga mamamayan duon gayundin ang mga gusaling pagsamba.
Ayon kay DPWH Spokesperson Undersecretary Karen Jimeno, kasabay nito, kanila ring tututukan ang pagtatayo ng mga pasilidad para sa malinis na inuming tubig gayundin ng kuryente sa lugar.
By Jaymark Dagala
Master plan para sa Marawi rehabilitation inilatag na was last modified: July 11th, 2017 by DWIZ 882
Isinailalim na sa state of calamity ang buong Ormoc City dahil sa lawak ng pinsalang tinamo nito mula nang tumama ang magnitude 6.5 na lindol sa Leyte noong isang linggo.
Kasunod nito, nagpasya na rin si Ormoc City Mayor Richard Gomez na suspendihin ang klase sa mga paaralan ngayong araw dahil sa sunud-sunod na mga aftershock na naranasan kahapon.
Giit ng alkalde, mananatiling suspendido ang klase sa mga paaralan hangga’t hindi pa natatapos ang kanilang inspeksyon sa mga paaralan kung saan, nasa mahigit 100 silid-aralan ang lubhang napinsala.
Kasunod nito, sinabi ng alkalde na nananatili pa ring walang suplay ng kuryente sa kanilang lugar na siyang dahilan para kapusin sila ng malinis na inuming tubig.
By Jaymark Dagala
Ormoc City isinailalim sa state of calamity was last modified: July 11th, 2017 by DWIZ 882
Tutol si Kabayan Partylist Rep. Harry Roque sa panukala ni House Speaker panTaleon Alvarez na palawigin ang Martial Law sa Mindanao hanggang sa taong 2022.
Ayon kay Roque, sapat na ang panibagong 60 araw na extension sakaling muli itong hilingin ni Pangulong Rodrigo Duterte upang bigyang daan ang clearing operations gayundin ang rehabilitasyon ng Marawi City.
Kasabay nito, hinimok ni Roque ang Pangulo na samantalahin na ang kaniyang ikalawang SONA o State of the Nation Address sa Hulyo 24 para hilingin sa Kongreso ang pagpapalawig sa Martial Law.
Gayunman, sinabi ng mambabatas na kung susundin ng palasyo ang mungkahi ni Alvarez na pahabain pa ng hanggang Limang taon ang deklarasyon, dapat itong magbigay ng sapat na batayan para rito.
By: Jaymark Dagala
Pres. Duterte dapat samantalahin na ang SONA kung hihirit umano ng ML extension was last modified: July 11th, 2017 by DWIZ 882
Umapela si Ako Bicol Party List Representative Rodel Batocabe sa liderato ng Kamara na huwag nang ituloy ang pagpapadala ng Show Cause Order laban sa Tatlong mahistrado ng Court of Appeals na nagpalabas ng release order sa tinaguriang Ilocos 6.
Kasunod na rin ito nang pag kunsider ng House Leadership na huwag na munang magpalabas ng Show Cause order dahil na rin sa motion to inhibit na inihain nila na pagpapasyahan pa ng Tatlong CA Justices.
Sinabi ni Batocabe na sa basurahan pupulutin ang Show Cause Order sakaling ipalabas ito ng Kamara dahil sa simula pa lamang aniya ay wala naman talagang cause sa naging hakbang ng CA.
By: Judith Larino
Show Cause order sa 3 CA Justice iginiit na huwag nang ituloy ng Kamara was last modified: July 11th, 2017 by DWIZ 882
May tsansang maaprubahan o makalusot na sa Kongreso ang panibagong panukalang BBL o Bangsamoro Basic Law na isusumite ng ehekutibo sa Kongreso.
Ito ayon kay Senador Sonny Angara ay kung mahusay ang pagkakasulat nito, kung dumaan sa mahusay at malawakang konsultasyon gayundin kung susuportahan ito ng Palasyo.
Sinabi naman ni Senador Gregorio Honasan na ang paglusot ng BBL ay nakasalalay kung naremedyuhan o naitama na ang mga nakita nuon ba depektibo sa naunang bersyon ng BBL.
Samantala hindi pa masabi ni Angara kung siya bilang Chairman ng Committee on Local Government ang hahawak ng pagdinig sa isusumiteng BBL.
Ayaw naman niya aniyang pangunahan ito kayat hihintayin niya kung sa kaniyang komite ito maire refer.
By: Judith Larino / Cely Bueno
Panibagong panukalang BBL may tsansa umanong maaprubahan sa Kongreso was last modified: July 11th, 2017 by DWIZ 882