Monthly Archives
July 2025
Tiyak na dadaan sa butas ng karayom sa Senado ang panukalang patawan ng 12% VAT ang mga low cost at socialized housing.
Sinabi ni Senate Ways and Means Committee Chair Sonny Angara na ang nasabing panukalang ay magdudulot lamang ng higit na problema lalo sa backlog sa housing dahil hindi na magiging affordable sa mga minimum wage earners at OFWS ang mga low cost at socialized housing.
Makabubuting pag isipan muna ng Department of Finance at mga mambabatas kung kailangan bang patawan ng VAT ang socialized at low cost housing.
Nangangamba ang mga Senador na mas dumami pa ang bilang ng mga walang sariling bahay kapag pinatawan ng VAT ang socialized at low cost housing.
By: Judith Larino / Cely Bueno
Pagpataw ng 12% VAT sa mga low cost host dadaan sa butas ng karayom was last modified: July 13th, 2017 by DWIZ 882
Kumplikado ang sitwasyon sa Marawi City kayat mahirap magtakda ng deadline kung kailan mareresolba ang krisis dito.
Ito ang reaksyon ni Senador JV Ejercito matapos ihayag ng Pangulong Rodrigo Duterte na malulutas na ang Marawi Crisis sa loob ng 10 hanggang 15 araw.
Sinabi ni Ejercito na tanging ang natitiyak pa lamang ngayon ay napahina na ang puwersa ng Maute Group.
Bagamat nahihirapan pa rin aniya ang assault team ng mga otoridad na pasukin ang lugar ng Maute dahil may mga sniper ito sa mga strategic places.
By: Judith Larino / Cely Bueno
Sitwasyon sa Marawi kumplekado pa para magtakda umano ng deadline was last modified: July 13th, 2017 by DWIZ 882
Pinalawig ng Korte Suprema na tumatayong P.E.T o Presidential Electoral Tribunal ang deadline sa pagbabayad ni Vice President Leni Robredo ng natitirang mahigit Pitong Milyong Piso.
Ito ay para ma proseso ang counter election protest ng Bise Presidente laban kay dating Senador Ferdinand Bong Bong Marcos.
Wala namang ibinigay na partikular na petsa ang P.E.T para mabayaran ng buo ni Robredo ang protest fee.
Una nang nakumpleto ni Marcos ang mahigit 66 Million Pesos na protest fee apat na araw bago ang July 14 deadline.
By: Judith Larino / Bert Mozo
Deadline sa pagbabayad ni VP Leni para sa protest fee pinalawig ng SC was last modified: July 13th, 2017 by DWIZ 882
Magpapadala ang India ng tulong pinansyal para sa rehabilitasyon at relief efforts sa Marawi City.
Sa report ng pahayagang Times of India ang ibibigay na 500,000 Dolyar na financial assistance ay unang pagkakataong gagawin ng bansa para sa isang bansa na apektado ng terorismo.
Ipinabatid ng Indian Embassy sa kanilang Facebook Account na mismong si Indian External Affairs Minister Sushma Swaraj ang nag alok ng tulong sa Pilipinas sa pakikipag ugnayan sa Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano nitong nakalipas na July 6.
Ang bakbakan ng tropa ng gobyerno at Maute group ay nasa ika walong linggo na.
By: Judith Larino
Bansang India magpapadala ng pinansyal na tulong para sa Marawi rehab was last modified: July 13th, 2017 by DWIZ 882
Ikinakasa na ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang ihahaing impeachment complaint laban kina Vice President Leni Robredo at Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ipinabatid ito ni Alvarez kayat asahan na aniya ang mas makulay na mga kaganapan sa pagbubukas ng ikalawang taon ng 17th Congress.
Sinabi ni Alvarez na kinu kumpleto pa niya ang mga dokumento sa ihahaing impeachment complaints at tiyak na mapapasakamay niya ang mga kakailanganing dokumento sa takdang panahon.
By: Judith Larino
Impeachment complaint laban kala VP Leni at SC CJ Sereno ikinakasa na was last modified: July 13th, 2017 by DWIZ 882
Inihihirit ng grupong KADAMAY sa Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatigil sa mga demolisyon sa mga maralitang umuukupa sa mga pribadong lupain.
Ayon kay John De Guzman, Secretary General ng KADAMAY Metro Manila hindi tinupad ng Pangulo ang pangakong walang magaganap na demolisyon sa ilalim ng kaniyang administrasyon.
Nasid din aniya nilang maipamahagi muna ang mga pampublikong lupain sa mga maralita tulad ng kahabaan ng Manggahan Floodway sa Pasig City.
By: Judith Larino
Pagpapatigil sa mga demolasyon inihirit ng KADAMAY sa Pangulong Duterte was last modified: July 13th, 2017 by DWIZ 882
Opisyal nang inilunsad ng Department of Labor and Employment ang identification card (ID) para sa milyon-milyong OFW’s o Overseas Filipino Workers.
Ang ID na tatawaging iDOLE Card ang papalit sa OEC o Overseas Employment Certificate na kinukuha ng mga umaalis na OFW sa POEA o Philippine Overseas Employment Administration.
Magiging katuwang ng DOLE sa pamamahala sa iDOLE ang SSS o Social Security System, DBP o Development Bank of the Philippines at ang Philippine Postal Corporation na siyang magde-deliver sa IDOLE Card ng mga OFW sa kanilang address sa ibang bansa.
Hindi katulad ng OEC, ang iDOLE Card ay libre lamang na ipagkakaloob sa mga OFW.
Plano ng DOLE na magpa-imprenta ng apat na milyong iDOLE Cards upang mabigyan, maging ang mga hindi na aktibong OFW’s o matagal nang nakauwi sa bansa.
Una nang sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello na ang isang OFW ay mananatiling OFW habangbuhay.
Len Aguirre | Story from Aileen Taliping
ID para sa mga OFW opisyal nang inilunsad ng DOLE was last modified: July 12th, 2017 by DWIZ 882
Umamin ang PNP o Philippine National Police na nahihirapan pa rin silang putulin ang suplay ng iligal na droga sa bansa, isang taon matapos ilunsad ang giyera kontra droga.
Dahil dito, sinabi ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa na hindi nya maipapangako na hindi magiging madugo ang ikalawang taon ng kampanya kontra droga.
Ayon kay Dela Rosa, naka-depende pa rin ito kung manlalaban ang mga drug suspect na kanilang huhulihin.
Iginiit ni Dela Rosa na hindi naman parating madugo ang anti-drug operations ng PNP.
Sa katunayan, umaabot sa labing dalawang libong (12,000) drug personalities ang kanilang naarestong buhay.
“Wala naman sa amin yan eh, hindi naman sa pulis yan made-determine kung bloody o hindi.”
“Nagre-react na naman tayo sa aksyon ng mga involved dyan sa droga.”
“So, wala po kaming kontrol, hindi po namin masabi na hindi bloody.”
Len Aguirre | Story from Jonathan Andal
“Wala po kaming kontrol, hindi po namin masabi na hindi bloody” was last modified: July 12th, 2017 by DWIZ 882
Masama ang loob ng padre de pamilya ng mga biktima sa Bulacan Massacre case matapos siyang isama ng Philippine National Police (PNP) sa imbestigasyon.
Ayon kay Atty. Percida Acosta, hepe ng PAO o Public Attorney’s Office, nagtataka si Dexter Carlos kung bakit bigla syang isinama sa imbestigasyon, dalawang linggo matapos mapatay ang buo nyang pamilya.
Binigyang diin ni Acosta na wala siyang kahit isang hiblang pagdududa kay Carlos dahil na establish naman ng PNP ang motibo sa krimen.
Napagtibay rin naman sa pamamagitan ng CCTV na nasa bangko kung saan security guard si Carlos noong gabi ng krimen.
Dexter Carlos pinayuhan ng PAO
Pinayuhan ng PAO o Public Attorney’s Office ang padre de pamilya ng mga biktima ng Bulacan Massacre na huwag sasalang sa lie detector test na ipinag-uutos ng PNP o Philippine National Police.
Pinuna ni Acosta na tila may malisya ang pagpapasalang ng PNP kay Dexter Carlos dahil lumalabas na isa na rin ito sa mga persons of interest.
Iginiit ni Acosta na non-binding at mayroon nang desisyon ang Korte Suprema na hindi tinatanggap na ebidensya sa Korte ang resulta ng lie detector test.
- Len Aguirre
Padre de pamilya ng mga biktima sa Bulacan Massacre masama ang loob sa PNP was last modified: July 12th, 2017 by DWIZ 882