Monthly Archives
July 2025
Iimbestigahan ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs ang reinstatement o pagbabalik sa serbisyo ni Supt Marvin Marcos.
Sinabi ni Senador Panfilo Lacson na bubuksan niya kaagad ang imbestigasyon sa usapin sa unang linggo pa lamang nang pagbubukas ng second regular session ng Kongreso.
Kinundena ni Lacson ang kautusan ng Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik sa serbisyo si Marcos na isa sa mga akusado sa pagpaslang kay Mayor Roland Espinosa ng Albuera, Leyte.
Ayon kay Lacson hindi reinstatement kundi back to duty status ang nangyari kay Marcos matapos ang apat na buwang suspensyon nito.
Nabura na aniya ang anggulong sabwatan dahil wala nga si Marcos nang paslangin ng raiding team si Espinosa subalit nasa labas lamang at siyang kumukumpas sa naturang operasyon.
Sa kabuuan binigyang diin ni Lacson na isang kalokohan ang nangyari at napamura pa ito bilang pagsasalarawan sa pagbabalik serbisyo ni Marcos na itinalaga na bilang PNP CIDG Region 12 head.
By: Judith Larino
Pagbabalik serbisyo ni Supt. Marcos iimbestigahan ng Senado was last modified: July 14th, 2017 by DWIZ 882
Pina aaresto ng Sandiganbayan si dating Davao Del Sur Representative Marc Douglas Cagas IV.
Kasunod ito nang pagbasura ng 3rd division sa mosyon ni Cagas na ibasura ang kaso laban sa kaniya kaugnay sa umanoy pagpopondo ng 6 Million Pesos sa ghost projects nuong 2008 gamit ang kaniyang pork barrel.
Unang iginiit ni Cagas na ginamit niya ang kaniyang PDAF sa business clinics, market development at technology transfer sa pamamagitan ng livelihood training at seminar.
Sa pamamagitan din ito aniya ng non government organization na farmer business development corporation katuwang ang technology resource center bilang implementing agency.
By: Judith Larino
Dating Davao del Sur Rep. Cagas IV pinaaaresto ng Sandiganbayan was last modified: July 14th, 2017 by DWIZ 882
Nagbitiw sa tungkulin si Bureau of Corrections Director General Benjamin Delos Santos 8 buwan matapos maitalaga dito.
Sinabi ni Delos Santos na tila nawalan siya ng silbi o naging irrelevant nang ibunyag ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang pagbuhay ng operasyon ng illegal drugs sa NBP o New Bilibid Prisons.
Tumanggi nang magsalita pa si Delos Santos at mananahimik na lamang aniya siya matapos ihain ang kaniyang irrevocable resignation kay Aguirre.
By: Judith Larino
BUCOR Chief Dir Gen. Delos Santos nagbitiw sa tungkulin was last modified: July 14th, 2017 by DWIZ 882
Inilagay sa restrictive custody ang Apat na pulis ng Legazpi City sa Albay dahil sa pambubugbog sa isang bilanggo.
Lumalabas sa imbestigasyon na inuuntog ni PO2 Ruel Hernandez ang ulo ng biktima sa pader habang nakakulong ito.
Hindi naman tinukoy ang pangalan ng nasabing biktima na inaresto dahil sa pagsisimula ng gulo sa isang kainan o eatery.
Bukod kay Hernandez suspendido rin sina Supt Nilo Berdin at Inspector Ranel Burse na kapwa naka duty sa istasyon nang maganap ang insidente.
Sinasabing hindi naman pinansin ni PO3 Waben Duca ang biktima nang humingi ito ng tulong.
By: Judith Larino
4 na pulis Legazpi Albay suspendido dahil sa pambubogbog sa isang bilanggo was last modified: July 14th, 2017 by DWIZ 882
Nanindigan ang Malakaniyang na walang nilabag na rule of law ang Pangulong Rodrigo Duterte sa utos nitong ibalik sa serbisyo si Police Supt Marvin Marcos.
Kasunod na rin ito nang pag alma ng mga Senador at oposisyon sa pagbabalik sa serbisyo kay Marcos at mga tauhan nito.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella napagsilbihan na ni Marcos ang kaniyang suspension order sa kasong administratibo at batay sa naging rekomendasyon ng PNP IAS ay maaari na itong bumalik sa serbisyo.
Sinabi ni Abella na maaari namang i apela sa National Police Commission ang reinstatement ni Marcos at mga kasamahan nito.
By: Judith Larino / Aileen Taliping
Malacañang nanindigan sa muling pagbabalik sa serbisyo ni Supt. Marcos was last modified: July 14th, 2017 by DWIZ 882
Tinabla ng Malakaniyang ang panibagong hirit ng grupong KADAMAY.
Kaugnay ito sa kahilingan ng KADAMAY na ibigay na sa kanila ang lupa ng gobyerno na idineklarang nasa danger zone sa Pasig City para magkaruon sila ng matitirhan.
Sinabi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na minsan nang pinagbigyan ng Pangulo ang KADAMAY nang kunin ng mga ito ang pabahay para sa mga sundalo at pulis sa Pandi, Bulacan at pinagsabihang huwag nang umulit.
Ayon pa kay Andanar hindi nangangahulugang pagbibigyan ng Pangulo ang lahat ng gagawin at hihilingin ng grupong KADAMAY.
Ang hinihiling na lupain ng grupong KADAMAY sa Manggahan Floodway o Napindan Channel ay idineklarang danger zone nuong panahon ng Arroyo Administration kayat hindi rin ito uubrang tayuan ng bahay at tirhan.
By: Judith Larino / Aileen Taliping
Panibagong hirit ng grupong KADAMAY sa pamahalaan tinabla ng Palasyo was last modified: July 14th, 2017 by DWIZ 882
Pormal nang itinalaga ng Pangulong Rodrido Duterte si Court of Appeals Presiding Justice Andres Reyes bilang bagong Associate Justice ng Korte Suprema.
Kasunod ito nang pagre retiro ni Associate Justice Bienvenido Reyes nuong July 6.
Si Reyes na anak ni dating CA Presiding Justice Andres Reyes Sr ay nagsilbi ring prosecutor at chief legal office ng Office of the Tanodbayan, naging hukom sa Makati Metropolitan Trial Court at RTC ng San Mateo, Rizal.
Ang ika 177 mahistrado ng high tribunal ay hinirang na CA Justice nuong 1999 at nagtapos sa Ateneo Law school.
By: Judith Larino / Bert Mozo
SC Justice Reyes pormal nang itinalaga ni Pangulong Duterte was last modified: July 14th, 2017 by DWIZ 882
Itinalaga na ng Cybercrime Foundation ang Kapamilya celebrities na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla bilang Ambassadors against Cyberbullying.
Ayon sa non-profit organization na Cybersmile Foundation, aabot sa halos 22-M ang pinagsamang reach nina Daniel at Kathryn sa social media.
Anila, sa pamamagitan nito, marami ang maimumulat at maaabot ng kanilang kampanya kontra cyberbullying.
Si Daniel ay kasalukuyang may mahigit 900,000 followers sa Instagram habang 5.9-M naman sa Twitter.
Habang si Kathryn naman ay may 5.4 -M followers sa Instagram at 7-M sa Twitter.
- Ralph Obina
KathNiel itinalaga bilang Ambassadors vs Cyberbullying was last modified: July 13th, 2017 by DWIZ 882
Nagpasaklolo na si Ilocos Norte Governor Imee Marcos sa Korte Suprema para mapalaya ang Ilocos-6 na nakakulong sa kongreso noon pang Mayo.
Ang Writ of Amparo ay inihain ng kampo ni Marcos makaraang tatlong beses na isnabin ng Kamara ang Writ of Habeas Corpus at direktibang palayain ang Ilocos-6 mula sa CA o Court of Appeals.
Ayon kay Marcos, apektado ang operasyon ng lalawigan sa pagkawala ng anim sa kanyang mga opisyal dahil karamihan sa kanila ay nasa finance department.
Matatandaan na na-cite for contempt ang Ilocos-6 makaraang hindi umano sumagot ng tama sa katanungan ni Congressman Rudy Fariñas hinggil sa alegasyong maling paggamit ng excise tax ng lalawigan.
“Hindi kinilala ng ating kongreso, ang mga kagalang-galang na Congressman ang sabi ang Court of Appeals ay walang bisa.”
“Sabi nga, not once, not twice but three times dinifine ang order of the court ng Congress to produce and then release the Ilocos-6.”
“Kaya ngayon, pilit kaming pupunta sa Korte Suprema, wag sanang papalag ang ating mga justices dahil sila ang huli at katas-taasang hukuman.”
- Len Aguirre
“Pilit kaming pupunta sa Korte Suprema” was last modified: July 13th, 2017 by DWIZ 882