Monthly Archives
July 2025
Isa pang retiradong army general ang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte sa gobyerno bilang housing czar kapalit ni Cabinet Secretary Leoncio Evasco.
Itinalaga ni Pangulong Duterte si dating NDRRMC o National Disaster Risk Reduction and Management Council Executive Director Eduardo del Rosario bilang Chairman ng the Housing and Urban Development Coordinating Council, na isang cabinet post, noong July 12.
Si Del Rosario ay graduate ng Philippine Military Academy Class of 1980 at naging hepe ng AFP-Civil Relations Service at Commander ng 2nd Infantry Division.
Samantala, itinalaga naman si Atty. Raul Lambino, dating abogado ni dating Pangulong Gloria Arroyo bilang administrator at chief executive officer ng Cagayan Economic Zone Authority, dating Court of Appeals Presiding Justice Andres Reyes itinalaga bilang bagong associate justice ng Korte Suprema at Moro Islamic Liberation Front Political Affairs Chief Ghadzali Jaafar bilang Amirul Hajj o leader of Muslim pilgrims.
Hinirang din bilang bagong Dangerous Drugs Board Deputy Executive Director si Walter Besas, Metodio Turbella bilang Environment Department Director 4 at Eric Distor bilang Director 3 ng National Bureau of Investigation.
By Drew Nacino
Photo: Si Eduardo del Rosario (kanan) ay naging NDRRMC chief sa panahon ng pananalasa ng Typhoon Yolanda noong 2013.
Retiradong heneral itinalagang bagong housing czar was last modified: July 14th, 2017 by DWIZ 882
Ipinagbubuntis na ng aktres na si Kaye Abad ang kanilang first baby ng asawang si Paul Jake Castillo.
Sa Instagram, ay ramdam ang excitement at tuwa ni Kaye nang mag-post ito ng sonogram photo ng kanilang soon to be baby.
Sa caption itinuturing ni Kaye na blessing at best birthday gift na natanggap sa kanyang buhay ang anak.
Matatandaang sa mga nakaraang panayam ay inamin ni Kaye na prayoridad nilang mag-asawa na agad magka-anak at bumuo ng isang pamilya matapos na ikasal noong nakaraang taon sa Cebu.
Photo: pauljake_castillo and kaye_abad/ Instagram
Kaye Abad nagdadalang-tao na! was last modified: July 14th, 2017 by DWIZ 882
Isa pang Vietnamese hostage ang pinaslang ng grupong Abu Sayyaf sa Sulu.
Kinumpirma ng militar na narekober ang isang bangkay na tadtad ng bala na pinaniniwalaang si Tran Khac Dung alyas Tran Viet Van, mula sa barangay Buhanginan sa bayan ng Patikul, noong Hulyo 8.
Narekober ang biktima ilang oras matapos maka-engkwentro ng mga tropa ng gobyerno ang ilang miyembro ng ASG.
Hindi matiyak ng Joint Task Force Sulu kung pinatay ang dayuhan sa kasagsagan ng pakikipag-bakbakan ng mga bandido sa mga awtoridad.
Si Tran ang ikatlong Vietnamese hostage na pinatay ng teroristang grupo sa loob lamang ng isang linggo.
By Drew Nacino
Isa pang Vietnamese hostage pinatay ng Abu Sayyaf was last modified: July 14th, 2017 by DWIZ 882
Bahagyang naibsan ang nararanasang hirap ng mga taga-Ormoc City, Leyte sa kabilang epekto ng magnitude 6.5 na lindol, noong isang linggo.
Ito’y makaraang maibalik na ang supply ng kuryente sa ilang bahagi ng lungsod, kagabi.
Tiniyak naman ni Energy Secretary Alfonso Cusi kay Pangulong Rodrigo Duterte na prayoridad ang power restoration sa lahat ng lugar na naapektuhan ng lindol.
Sa katunayan anya ay magsisimula sa Hulyo 31 ang full restoration ng power supply sa Leyte.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni DOE Secretary Alfonso Cusi
By Drew Nacino
Ilang bahagi ng Ormoc City may kuryente na was last modified: July 14th, 2017 by DWIZ 882
Binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga biktima ng magnitude 6.5 na lindol sa Ormoc City, Leyte.
Personal na namahagi ng tulong pinansyal si Pangulong Duterte sa pamilya ng dalawang nasawi sa pagyanig.
Tig-dalawampung libong piso (P20,000) ang tinanggap ng pamilya nina Gerry Novilla, 43-anyos ng Kananga, Leyte at Rhissa Rosales mula sa Punong Ehekutibo bukod pa sa 10,000 peso burial assistance ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.
Ayon kay Pangulong Duterte, kuntento siya sa pagtugon ng gobyerno sa pangangailangan ng mga apektado ng lindol na isang patunay ng kahandaan ng kanyang administrasyon na magsilbi sa taumbayan.
Samantala, nagpaabot din ng food at non-food items ang DSWD at 5,000 peso cash assistance sa mga nasugatan.
By Drew Nacino
*Malacañang Photo
Pangulong Duterte binisita ang mga biktima ng lindol sa Leyte was last modified: July 14th, 2017 by DWIZ 882
Sinalag ni PNP o Philippine National POliceChief Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa ang mga kritisismo na magdudulot ng culture of impunity sa hanay ng pulisya ang pagbabalik-serbisyo ni Supt Marvin Marcos.
Sinabi ni Bato na tiwala siyang hindi iisipin ng mga pulis na maaari silang gumawa ng mali at makakalusot na lamang dito.
Ayon pa kay Bato gagawin niya ang lahat para mabura sa isip ng publiko na kinukunsinti ng PNP ang mga nagkakasala nilang miyembro.
Dumaan naman aniya sa due process ang pagbabalik serbisyo ni Marcos at 18 kasamahan nito.
By Judith Larino / ulat ni Jonathan Andal (Patrol 31)
Pagbabalik-serbisyo ni Marcos dumaan sa due process—Bato was last modified: July 14th, 2017 by DWIZ 882
Kinumpirma ni PNP Chief Director Ronald Bato Dela Rosa na na monitor nila sa Pilipinas ang mga terorista mula Turkey na bahagi ng Fethullah Gulen Movement.
Sinabi ni Bato na batay sa kanilang intelligence report may inilabas na abiso ang mga lider ng ISIS sa kanilang tagasunod na magtungo sa timog na bahagi ng Pilipinas kung hindi makakapunta sa Syria at Iraq.
Ayon kay Bato isinara na ang border sa Turkey na siyang daanan pa naman patungong Iraq at Syria.
Una nang ibinunyag ni Turkish Ambassador to the Philippines Esra Cankorur na nasa Pilipinas na umano ang teroristang grupo at naka base sa Zamboanga at nagpapanggap na civic education institutions at charity organizations.
By: Judith Larino / Jonathan Andal
Mga teroristang mula sa bansang Turkey minomonitor ng PNP was last modified: July 14th, 2017 by DWIZ 882
Sinasayang lamang ng Pangulong Rodrigo Duterte ang political capital nito sa ginawang pakikialam at pag utos na reinstate kina Supt Marvin Marcos sa kabila ng kasong kinakaharap ng mga ito.
Binigyang diin ito ni Senate Committee on Justice Chair Richard Gordon matapos igiit na mali ang ginawang panghihimasok ng Pangulo sa Justice System kaugnay sa kaso nina Marcos.
PAKINGAN: Pahayag ni Senate Committee on Justice Chair Richard Gordon
Sinabi pa ni Gordon na posibleng mag backlash sa Pangulo ang ginawa nitong panghihimasok sa naturang kaso.
PAKINGAN: Pahayag ni Senate Committee on Justice Chair Richard Gordon
Kasabay nito kinastigo ni Gordon ang mga nasa paligid ng Pangulo na aniya’y dapat na nagpayo rito na hayaan na lamang gumulong ang kaso laban kina Marcos at huwag nang makialam dito.
By: Judith Larino / Cely Bueno
Paghihimasok umano ng Pangulo sa kaso ni Supt Marcos posibleng mag backlash was last modified: July 14th, 2017 by DWIZ 882
Higit na makakasira sa Philippine National Police bilang institusyon ang pagbabalik sa serbisyo kay Supt Marvin Marcos at grupo nito na akusado sa pagpaslang kay Mayor Rolando Espinosa ng Albuera, Leyte.
Binigyang diin ito ni Senador Grace Poe dahil responsibilidad ng PNP na pahalagahan at itaguyod ang rule of law sa paggampan ng tungkulin subalit bakit ibabalik aniya sa serbisyo ang mga pulis na sangkot sa isang murder case.
Ang reinstatement aniya ng grupo ni Marcos ay makakahikayat sa kultura ng impunity sa hanay ng mga pulis o gumagawa ng kasalanan ng hindi napaparusahan.
Sinabi ni Poe na kaya namang gampanan ng PNP ang kanilang tungkuling protektahan ang publiko ng wala ang mga tulad nina Marcos.
Inihayag pa ni Poe na hindi maitatago na may probable cause sa krimeng kinasasangkutan nina Marcos kayat kuwestyunable aniya ang ginawang pag downgrade ng DOJ sa kasong murder ng mga ito na ibinaba sa homicide.
Ilang Senador dismaydo sa pagbabalik sa serbisyo ni Supt. Marcos
Mariing kinundena ni Senador Risa Hintiveros ang pagbabalik sa serbisyon kina Supt Marvin Carlos at mga kasama nito sa kabila nang kinakaharap na kasong pagpatay kay Mayor Rolando Espinosa ng Albuera, Leyte.
Sinabi ni Hontiveros na malinaw na isa itong tangkang pagharang sa hustisya at pag apruba sa extra judicial killings sa bansa.
Ikinadismaya ni Hontiveros ang pag suporta ni PNP Chief Director General Ronald Bato Dela Rosa sa pag reinstate kina Marcos at sa pagsasabing sayang naman ang pinasusuweldo kina Marcos kayat makabututing ibalik sila sa serbisyo.
Ipinaalala ni Hontiveros kay Dela Rosa na ang tunay na pagsasayang ng taxpayers money ay perang ginagastos sa mga masasamang pulis.
Ayon naman kay Senador Bam Aquino ang naturang hakbang ay malinaw na pagkanlong ng PNP ng mga kriminal na delikado sa mga Pilipino.
Malinaw rin aniyang pagbalewala ito sa mga umiiral na batas at nagpapalakas pa sa kultura ng karahasan.
By: Judith Larino / Cely Bueno
Pagbabalik sa serbisyo kay Supt. Marcos makakasira umano sa PNP was last modified: July 14th, 2017 by DWIZ 882