Monthly Archives
September 2025
Walang sama ng loob si Presidential Communications Secretary Martin Andanar kay Agriculture Secretary Manny Piñol.
Ito ang inamin ni Andanar makaraang humingi ng paumanhin sa kaniya si Piñol hinggil sa naging pahayag nito kamakailan.
Sa launching ng bagong website ng Philippine News Agency sa Pasay City, kinumpirma ni Andanar na tinawagan siya ni Piñol para humingi ng paumanhin.
Magugunitang binatikos ni Piñol ang tanggapan ni Andanar dahil sa pagiging mabagal at napag-iiwanan sa paglalabas ng mga balita na may kinalaman kay Pangulong Rodrigo Duterte.
By: Jaymark Dagala
Agriculture Secretary Manny Piñol nagsorry na kay PCO Sec. Andanar was last modified: April 25th, 2017 by DWIZ 882
Magpapatupad ng tapyas presyo sa kanilang mga produktong petrolyo ang mga kumpaniya ng langis matapos ang ilang sunud-sunod na linggong pagpapatupad ng oil price increase.
Beinte Sentimos sa rollback sa presyo ng kada litro ng gasolina, Trenta sentimos sa diesel habang Kuwarenta Sentimos naman sa kerosene.
Epektibo Ala Sais ngayong umaga ang rollback ng mga kumpaniyang Shell, Petron, Seaoil, Metro, Jetti, Petron, Phoenix at Eastern Petroleum.
Habang kaninang Alas Dose Uno ng madaling araw nagpatupad ng kanilang rollback ang kumpaniyang Flying V.
By: Jaymark Dagala
Oil Price Rollback ipapatupad ng mga oil companies was last modified: April 25th, 2017 by DWIZ 882
Pormal nang itinalaga ng Malakaniyang ang bagong Government Corporate Counsel sa katauhan ni Atty. Rudolf Philip Jurado.
Ito ang kinumprma ng Department of Justice makaraang matanggap na nila ang kopya ng appointment letters mula kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Bago ito, nanilbihan si Jurado bilang isa sa mga legal counsel ng VACC o Volunteers Against Crime and Corruption bago palitan si outgoing OGCC Ireneo Galicia.
Ang OGCC ang siyang nagtatanggol sa mga ligal na interes ng lahat ng mga GOCC’S o Government Owned and Controlled Corporations gayundin ang mga subsidiary nito.
By: Jaymark Dagala / Bert Mozo
Office of the Government Corporate Counsel may bago nang pinuno was last modified: April 25th, 2017 by DWIZ 882
Inabsuwelto ng DOJ o Department of Justice ang Casino Junket Operator na si Kim Wong sa kasong paglabag sa Anti-Money Laundering Law.
Batay sa ipinalabas na resolusyon ng DOJ panel of prosecutors, hindi nakitaan ng probable cause ang reklamo laban kay Wong dahil sa kakulangan ng ebidensya.
Maliban kay Wong, absuwelto rin sa parehong reklamo ang Chinese National na si Weikang Xu (na kapwa akusado ni Wong.
Ayon sa DOJ, nabigo ang manager ng RCBC o Rizal Commercial Banking Corporation sa Jupiter, Makati na si Maia Santos – Deguito na patunayan na inutusan siya sa telepono ni Wong para magbukas ng limang account na may kuwesyunableng pangalan nuong Pebrero ng isang taon.
Sa mga nasabing bank account sinasabing ipinasok ang bahagi ng 81 Milyong Dolyar na ninakaw ng mga hacker mula sa Bangladesh Central Bank.
By: Jaymark Dagala / Bert Mozo
Dalawang akusado sa money laundering scandal inabsuwelto ng DOJ was last modified: April 25th, 2017 by DWIZ 882
Magiging abala ang common law partner ni Pangulong Rodrigod Duterte na si Madam Honeylet Avanceña sa darating na ASEAN Summit na gagawin dito sa bansa.
Ayon kay Presidential Chief Protocol Officer at ASEAN 2017 Director General for Operations Ambassador Marciano Paynor, si Avanceña ang naatasang mag-istema sa mga asawa ng ASEAN Heads of State.
Aalalayan si Avanceña ng iba’t ibang ahensya tulad ng NCCA o National Commission for Culture and Arts, Metropolitan Museum, Internal House Affairs ng Palasyo maging ni Social Welfare and Development Secretary Judy Taguiwalo.
Nang tanungin si Paynor kung bakit hindi si Davao City Mayor Inday Sarah Duterte – Carpio ang kinuha, sinabi ni Paynor na ito ang pasya ni Pangulong Duterte.
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping
Madam Honeylet Avanceña magiging abala sa ASEAN Summit was last modified: April 25th, 2017 by DWIZ 882
Tiniyak ng Malakaniyang na mabibigyan ng katarungan ang brutal na pagkamatay ni Staff Sergeant Anni Saraji sa kamay ng bandidong Abu Sayaf.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, malinaw sa militar ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na patayin ang mga bandido at huwag silang bigyan ng pagkakataong mabuhay.
Magugunitang miyembro si Siraji ng 23rd infantry Battalion ng Philippine Army na binihag ng Abu Sayaf nuong Huwebes habang papunta sa isang peace and development mission sa Patikul, Sulu.
Ini-alok pa umano ni Siraji ang kaniyang armas bilanbg patunay na sinsero siya sa kapayapaan para sa kapwa Tausug ngunit pinugutan pa ito ng mga bandido.
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping
Katarungan sa sundalo na pinugutan ng Abu Sayaf tiniyak ng Palasyo was last modified: April 25th, 2017 by DWIZ 882
Binuksan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isinagawang cabinet meeting kahapon ang usapin ng family planning.
Ito’y dahil sa nais ng Pangulo na matutukan ang problema ng bansa hinggil sa lumalaking bilang ng populasyon.
Ayon mismo sa Pangulo, kinakailangang matalakay ang usapin lalo’t hindi na akma ang populasyon sa kinikita ng bansa para matugunan ang pangangailangan ng mga Pilipino.
Batay sa tala, pumapalo na sa Isandaan at Tatlong Milyon ang populasyon ng Pilipinas ngayong taon o mahigit Dalawang Milyon ang itinaas mula sa datos nuong 2015.
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping
Family planning pangunahing tinalakay sa cabinet meeting sa Palasyo was last modified: April 25th, 2017 by DWIZ 882
Muling tiniyak ng Malakaniyang na kasado na ang inilatag nilang seguridad para sa pagdaraos ng iba’t ibang mga aktibidad para sa ASEAN Summit dito sa Pilipinas.
Ayon kay Presidential Chief Protocol at ASEAN 2017 Director General for Operations Ambassador Marciano Paynor, plantsado na ang kanilang security plan partikular na sa mismong ASEAN leader’s meet sa Nobyembre.
Kaugnay nito, sinabi pa ni Paynor na bukod sa gagawaing multilateral meetings ng ASEAN member heads of state, may nakahanay ding bilateral meetings si Pangulong Rodrigo Duterte sa pinuno ng iba’t ibang bansa.
Kabilang sa mga makikipagpulong kay Pangulong Duterte sina Sultan Hassanal Bolkia ng Brunei, Indonesian President Joko Widodo.
Habang may inaasahan ding pag-uusap sina Pangulong Rodrigo Duterte at US President Donald Trump sa kasagsagan ng okasyon.
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping
Seguridad para sa ASEAN leader’s meet tiniyak ng palasyo was last modified: April 25th, 2017 by DWIZ 882
Democracy icon ng Myanmar na si Aun San Suu Kyi dadalo sa ASEAN summit sa Pilipinas
written by DWIZ 882
Tanging ang pinuno ng bansang Myanmar lamang ang hindi makadadalo sa gagawing ASEAN o Association of Southeast Asian Nations Summit dito sa Pilipinas.
Ito’y ayon kay Presidential Chief Protocol at ASEAN 2017 Director General for Operations Ambassador Maricano Paynor makaraang kumpirmahin ang pagdalo ng ASEAN heads of state sa nasabing pagpupulong.
Dahil dito, ipadadala na lamang ni Burmese President Htin Kyaw ang bantog na democracy icon ng Myanmar na si Aun San Suu Kyi.
Paliwanag ni Ambassador Paynor, tradisyon na ng mga pinuno ng bansang Myanmar na hindi dumadalo sa mga multilateral meetings kaya’t nagpapadala na lamang sila ng kinatawan.
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping
Democracy icon ng Myanmar na si Aun San Suu Kyi dadalo sa ASEAN summit sa Pilipinas was last modified: April 25th, 2017 by DWIZ 882