24-15-34-04-38-35 (No Winner)
In any order
Jackpot Prize: Php 18,084,208.00
July 2025
Sa #SiyasatExpress, sinu-sino ang nasa panganib na tamaan ng breast cancer at paano ito maiiwasan? #BreastCancerAwareness
Listen To Siyasat Express Part 1
Listen To Siyasat Express Part 2
Handang-handa na ang Gilas Pilipinas sa pagsabak sa 2015 FIBA Asia Championship na lalarga simula bukas.
Tatangkain ng Gilas na mag-kampyon sa naturang torneyo upang mag-qualify sa 2016 Rio Olympics sa Brazil.
Kumpleto ang 12-man lineup ng Philippine team nang dumating sa Changsha, China kahapon.
Unang makakasagupa ng Gilas ang Palestine alas-12:00 ng tanghali bukas bago makalaban ang Hong Kong sa Huwebes at Kuwait sa Biyernes.
By Drew Nacino
Hindi itinuturing ni Vice President Jejomar Binay na kalaban si Pangulong Noynoy Aquino.
Ito ang inihayag ni Binay sa gitna ng pag-init ng paparating na 2016 Presidential election.
Ayon kay Binay, negatibo agad ang kahulugan ng salitang kalaban kaya hindi ito ang tingin niya sa Pangulo.
Kung matatandaan, bago opisyal na nagdeklara ng Presidential candidacy ang Pangalawang Pangulo ay nagbitiw ito bilang miyembro ng gabinete ni Pangulong Aquino.
Simula aniya noon ay hindi pa sila nagkikita ng personal ni Aquino subalit nagkita naman sila ng mga kapatid ng Punong Ehekutibo nang pumanaw ang si dating Senador Agapito Butz Aquino.
By Drew Nacino | Allan Francisco
Tiniyak ng kampo ni Senadora Grace Poe na kanilang isasapubliko sa susunod na linggo ang resulta ng DNA test kay Senadora Grace Poe.
Inihayag ito ni Atty. Alex Poblador, abogado ni Poe sa isinagawang oral arguments ng Senate Electoral Tribunal (SET) kahapon.
Sinabi ni Poblador, may ilang lumapit na rin sa kaniya para magpa-DNA test mula Iloilo at nagpakilalang kamag-anak ng senadora.
Handa rin ani Poblador ang mga nagpapakilalang kaanak ni Poe at respetado’t mababait naman aniya ang mga ito.
By Jaymark Dagala
Pinasabugan ng mga rebelde gamit ang isang sasakyan ang harap mismo ng Presidential Palace sa Mogadishu, Somalia.
Hindi pa mabatid kung ilan ang namatay sa pag-atake.
Ayon kay Ali Hussein, isang police officer, target umano ng mga rebelde ang Presidente ng Somalia na si Hassan Sheikh Mohamoud.
Aniya may mga namatay at sugatan pero hindi pa nila matukoy kung ilan lahat.
Wala pang umaako sa nasabing insidente mula sa armadong grupong Al-Shabab na nagtatangkang pabagsakin ang gobyerno ni Mohamoud.
Gayunman, paulit-ulit na umanong naglunsad nang pag-atake ang nasabing grupo sa mga gusali ng gobyerno doon.
By Mariboy Ysibido
Mayroong namataang sama ng panahon sa Dagat Pasipiko.
Nasa layo itong 2,370 kilometro silangan ng Baler, Aurora.
Posible itong pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) bukas o di naman kaya ay sa Biyernes at tatawaging bagyong Jenny.
Ayon sa PAGASA hindi ito magtatagal sa bansa at lilihis patungong Japan ngunit hahatakin nito ang habagat na magpapaulan sa ibang bahagi ng bansa.
Samantala, malaki ang chance na umulan sa Metro Manila mamayang hapon o gabi dahil sa thunderstorms.
Mas makulimlim at maulap naman na panahon ang mararanasan sa Laguna at Mindoro.
Ang Visayas at Mindanao naman ay patuloy na maaapektuhan ng Intertropical Convergence Zone.
Pinakamaulan sa kanlurang bahagi ng Visayas lalo na sa Iloilo at Negros Occidental.
Magiging makulimlim naman ang malaking bahagi ng Mindanao ngunit malakas na pag-ulan ang mararanasan sa Dinagat at South Cotabato.
By Mariboy Ysibido
Muling inilarga ng mga kumpanya ng langis ang panibagong tapyas presyo sa kanilang mga produkto.
Epektibo ala-6:00 kagabi ng ibaba ng Eastern Petroleum Corporation sa P0.35 ang presyo ng gasolina at P0.50 sa diesel.
Nagpatupad din ang Petron at Shell ng P0.35 na rollback sa gasolina; P0.50 sa diesel at P0.45 centavos sa kerosene epektibo kaninang alas-12:01 ng hatinggabi;
Ipinatupad din ng Flying V ang kahalintulad na rollback sa gasolina, diesel at Phoenix Petroleum.
By Drew Nacino
Pinaiimbestigahan ng samahan ng mga mag-aasukal ang umano’y tangkang pag-areglo ni dating Land Transportation Office (LTO) Chief Virgie Torres sa mga nasabat na smuggled na asukal kamakailan.
Ayon kay Manuel Malata, Chairman Sugar ng Alliance of the Philippines, may ebidensyang makakapagturo na si Torres ang nagmamay-ari ng nakuhang 100 milyong halaga ng mga asukal.
Aniya, maging sila ay nagulat sa lakas ng loob ni Torres dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay may taong harapang pumunta sa Customs upang aregluhin ang iligal na kontrabando.
Samantala, una nang pinapurihan ng Malakanyang ang ginawa ng Customs na hindi pagbigyan ang pag-aareglo ni Torres.
Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, ang ipinakita ng Customs ay bahagi ng Tuwid na Daan ng administrasyon kung saan walang sinisino kapag mali ang ginagawa.
By Rianne Briones
Nabuhayan ng pag-asa ang pamilya ng pinaslang na environmentalist at broadcaster na si Gerry Ortega sa pagkakaaresto sa mga suspek na sina dating Palawan Governor Joel Reyes at kapatid na si dating Coron Mayor Mario Reyes.
Ayon kay Mica anak ni Ortega, welcome surprise ang pagkakahuli sa magkapatid na Reyes sa Thailand dahil sa overstaying.
Bagamat nabuhayan ng pag-asa, aminado si Mica na mahaba pa ang gagawing nilang pakikipaglaban para makamit ang hustisya.
Naniniwala aniya sila na makapangyarihan, may pera at koneksyon pa rin ang magkapatid na Reyes at gagawin nila ang lahat huwag lamang makulong sa salang pagpatay.
“Makapangyarihan po sila, sila po ay may pera, sila po ay maimpluwensiya, sila po ay may mga koneksyon, ‘yun nga po yung nag-allow sa kanila na makaalis, na makapagtago ng ganoon katagal, kahit na malakas ang ebidensiya namin, hindi pupuwedeng o sige puwede na tayong manalo, ang tagal pa po ng laban na ito, at alam naming itong magkapatid na ito gagawin nila ang lahat para hindi makulong.” Pahayag ni Mica Ortega.
“Gobyerno naman ang kailangang kumilos”
Samantala, political will mula sa pamahalaan ang hinihiling ng pamilya ng pinatay na environmentalist/broadcaster Dr. Gerry Ortega upang makamit ang hustisya.
Inihayag ito ni Mica Ortega, panganay na anak ni Ka Gerry makaraang madakip sa Thailand dahil sa kasong overstaying ang magkapatid na dating Palawan Governor Joel Reyes at dating Mayor Mario Reyes, ang itinuturong masterminds sa pagpatay sa kanyang ama.
Ayon kay Mica, ginawa na ng kanilang pamilya ang lahat ng kanilang magagawa para makamit ang hustisya kaya’t gobyerno naman ngayon ang kailangang kumilos.
Nais makatiyak ng pamilya Ortega na hindi mabibigyan ng special treatment ang magkapatid na Reyes sa sandaling maibalik na ang mga ito sa bansa.
Ayon kay Mica, igigiit nila na makulong sa ordinaryong kulungan sa Palawan ang magkapatid na Reyes at hindi sa National Bureau of Investigation (NBI) na tulad ng naunang napaulat.
Binigyang diin ni Mica na walang dahilan para ikulong dito sa Metro Manila ang magkapatid na Reyes dahil sa Palawan naman diringgin ang kanilang kaso.
By Mariboy Ysibido | Len Aguirre | Ratsada Balita