Patay ang dalawa katao at sugatan ang dalawang iba pa sa sunog na naganap sa isang residential building sa Sampaloc, Maynila.
Kinilala ng mga otoridad ang mga nasawi na sina Gerardo Lopez, 50 taong gulang at Anastasio Cruz, 80 taong gulang.
Ayon sa mga otoridad nagsimula ang sunog alas 10:00 ng umaga sa dalawang palapag na gusali at naapula ito matapos ang mahigit isang oras.
Nasugatan naman sa naturang sunog sina Fire Officer 1 John Natividad at volunteer na si Ricky Catle.
Hinihinalang dulot ng iligal na electrical connection ang nasabing sunog.