Hawak na ng TNT Tropang Giga ang 2 – 0 lead sa 2021 PBA Philippine Cup kontra Magnolia Hotshots.
Sinikwat ng katropa ang ikalawa nitong panalo sa game 2 ng best of seven series sa pamamagitan ng 105 -93 win kontra Magnolia sa kanilang paghaharap sa Bacolor, Pampanga, kagabi.
Nagpakawala ng 28 points si Mikey Williams habang nag-ambag ng 16 points si veteran guard Jayson Castro para sa TNT.
Kumamada naman ng 25 points si Ian Sangalang habang sumalaksak ng 12 points si Paul Lee para sa pambansang manok.
Muling maghaharap sa game 3 ang dalawang koponan, bukas. —sa panulat ni Drew Nacino