Magkakaroon ng limitadong epekto sa ekonomiya ng Pilipinas ang 19% U-S reciprocal tariff, ayon sa Asian Development Bank.
Ito’y matapos ang pakikipagnegosasyon ni President Ferdinand Marcos Jr kay U-S President Donald Trump na una nang nagpataw ng 20 percent tariff sa Philippine exports.
Ang mga kaganapang ito, ayon kay ADB Senior Country Economist for the Philippines Jacqueline Connel ay nagpapakita lamang ng pangangailangan na palakasin pa ang investment climate, pabilisin ang critical infrastructure investment, at iba pang mga hakbang upang iangat ang productivity at competitiveness ng bansa.
Mahalaga rin anya ang mga ito upang maging mas magandang trading partner at investment destination ang Pilipinas.