Nasa 1.2 milyong manok ang kailangan patayin matapos maapektuhan ng bird flu ang nasa 17 lugar sa bansa.
Ayon sa Bureau of Animal Industry (BAI), nakapagtala ng naturang virus sa mga lalawigan ng Pampanga, Laguna, Camarines Sur, Davao Sur, Region 4 at Bulacan.
Dahil dito, patuloy na sinisikap ng BAI na mapigilan ang pagkalat ng bird flu sa mga poultry farm sa bansa.
Kabilang na rito ang information dissemination, disease investigation, culling at pagpapatupad ng quarantine zone.
Sa ngayon, aabot na sa 189 na kaso ng bird flu virus ang naitatala sa bansa kung saan halos 200,000 manok na ang namatay dahil dito.