Inaasahang aabot sa labinlima hanggang dalawampu ang bagyong papasok sa Philippine Area of Responsibility sa ikalawang bahagi ng taon.
Ayon sa PAGASA, saklaw ang nasabing bilang sa taunang average na 19-20 tropical cyclones na nakakaapekto sa bansa kada taon.
Sa bilang na ito, nasa walo hanggang siyam naman ang tipikal na nagla-landfall o tumatama sa bansa.
Tinatayang peak season ng bagyo sa Pilipinas ang buwan ng Hulyo hanggang Oktubre kung saan nasa 70 percent ng bagyo ang pumapasok sa loob ng buwan na ito.
Kaugnay nito, binigyang-diin naman ng weather bureau ang kahalagahan ng mas maagang paghahanda sa mga papasok na bagyo sa bansa.
—Sa panulat ni Mark Terrence Molave