Ilang beses na tayong napabilib at napa-sana all ng mga personalidad na kilala dahil sa angkin nilang talino katulad na lang nila Albert Einstein, Terence Tao, at Marie Curie. Pero ang estudyanteng ito mula sa America na kayang-kaya ring gumawa ng history. Dahil sa murang edad, nagawa na nitong makapasa at matanggap sa 100 unibersidad.
Kung nakapili na nga ba ang lalaki ng papasukang kolehiyo, eto.
Kung ang iba ay todo aral para makapasa sa kanilang dream school, ibahin niyo ang 13-anyos na si Sunny Nguyen mula sa San Jose, California na ang kinailangan na lang gawin ay ang mamili sa mga unibersidad na nag-aalok sa kaniya ng admission at scholarship.
Si Sunny kasi, nakapasa lang naman sa mahigit 100 unibersidad sa iba’t ibang lugar sa united states kabilang na ang prestigious schools na University of California, Berkeley at UC San Diego. Take note, umabot ng mahigit $3 million ang natanggap nitong scholarship offers o mahigit 100 million pesos.
Ayon sa tatay nito na si Tommy Nguyen, bata pa lang ay nakitaan na nila ng potensyal ang galing ni Sunny sa math. Sa sobrang hilig nito sa nasabing subject, kahit saan daw magpunta ay nag-aaral pa rin ito.
Bukod pa riyan, maituturing na rin itong website developer dahil nakagawa lang naman ito ng website na may kakayahang mag-solve ng mga math problems na makatutulong sa mga estudyante.
Samantala, pinasalamatan naman ni Sunny ang kaniyang mga magulang dahil sa mahabang panahon na homeschooled siya, malaya niyang na-explore ang kaniyang interests at napagtuonan niya ng pansin ang mga subject na interesado siya.
Sa ngayon, interesado si Sunny sa pag-aaral ng computer science at artificial intelligence. Aniya pa, interesado siya na pumasok sa isa sa mahigit isandaang unibersidad kung saan mas matututo siya pagdating sa ai at machineries.
Ikaw, ganito rin ba ang ipinamalas mong kasipagan para makapasok sa dream school mo?