Ang isa sanang normal na araw sa isang probinsya sa China, nauwi sa isang makapanindig balahibo at mala-pelikulang tagpo nang dahil sa maling akala ng isang lola.
Ang buong pangyayari, eto.
Nakuhanan sa video ang naging maaksyon na pagsagip ng mga lokal sa isang lola na nakakapit mula sa labas ng bintana ng isang establisyimento sa henan province sa China.
Makikita ang mga lokal na nakatingala sa bintana at nakaantabay sa pagbagsak ng matanda na 102-anyos na pala.
Ang lola kasi na nasa 3rd floor ng establishment, inakala na pintuan ang bintana at doon ito dumaan kung kaya nauwi ito nasabing sitwasyon.
Mabuti na lamang at na inihanda ng mga residente para nagawa pang makakapit ng lola sa labas ng bintana bago ito tuluyang nahulog sa malaking mat saluhin ang matanda.
Samantala, matagumpay namang nailigtas ang matanda ngunit nahagip sa ibang anggulo ng video na tumama ito sa signage ng isang tindahan na nasa unang palapag ng establishment.
Sa mga maka-lola diyan. Anong say niyo sa kwento na ito? Mas babantayan niyo ba ngayon ang mga lola niyo matapos marinig ang kwento na ito?