Target ng Department of Information Communication and Technology o DICT na mapagana ang sampung libong (10,000) Wi-Fi access points ngayong taon.
Ayon kay DICT Officer in Charge, Usec. Eliseo Rio, gugulong na ngayong Pebrero ang second bidding conference para sa proyekto.
Tukoy na rin aniya nila ang mga lugar na prayoridad nilang malagyan ng libreng Wi-Fi tulad ng mga public school at state universities.
“Yung listahan po ay galing sa mga political LGUs, mga congressman, mga senator, mga munisipyo, state colleges, stage by stage ito kasi sa 2022 ang aming target ay makapaglagay kami ng 250,000 access points all over the nation.” Pahayag ni Rio
(Ratsada Balita Interview)