Hinihinalang biktima ng human trafficking ang 43 dayuhan na nasagip ng Department of Interior and Local Government (DILG) makaraang ipasara ang isang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) establishment sa Pampanga.
Ayon kay DILG secretary Benhur Abalos, kasama nila ang Philippine National Police Anti-Kidnapping Group nang salakayin at permanenteng ipasara ang Lucky 99 Outsourcing Inc., na matatagpuan sa Fil-Am friendship Hi-way, Angeles City, Pampanga.
Pahayag ng Kalihim, nagresulta ang raid na ito sa pagkakasagip sa mga foreign nationals na natagpuan sa loob ng establiyemento.
Babala ni Abalos, tuloy-tuloy ang kanilang pagtugis sa mga indibidwal na sangkot sa mga kaparehong iligal na aktibidad na bahagi ng pinaigting na kampanya ng pamahalaan laban sa mga pogo na dawit sa human trafficking.
Makikipag-ugnayan din aniya ang dilg sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at Securities and Exchange Commission (SEC) upang mas mapalalim pa ang imbestigasyon sa mga ganitong kaso o problemang kinakaharap ng bansa.