Home NATIONAL NEWS Halos limang toneladang droga na nagkakahalaga ng ₱11.32-B, nasamsam ng PNP sa loob ng siyam na buwan!

4 milyong pasahero, inaasahang dadagsa sa mga paliparan sa Undas

by DWIZ 882 October 25, 2026 0 comment
airport terminal

Inaasahang aabot sa apat na milyon ang mga pasaherong daraan sa mga paliparan sa bansa ngayong Undas, kaya naghahanda na ang mga awtoridad para sa inaasahang dagsa ng mga biyahero.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines, mas mataas ito kumpara sa 3.7 milyong pasaherong naitala noong nakaraang taon.

Mula Oktubre 30 hanggang Nobyembre 3, magdaragdag ng mga tauhan ang Bureau of Immigration at CAAP upang matiyak ang maayos at ligtas na operasyon sa mga paliparan.

Sinabi naman ni CAAP Public Information Officer Bea Bernardo na magkakaroon din ng mas mahigpit na inspeksyon sa mga bagahe, karagdagang security personnel, at mga help desk para sa mga nangangailangan ng tulong.

Samantala, pinayuhan naman ng Immigration ang mga pasahero na dumating nang mas maaga sa paliparan, ihanda ang mga kinakailangang dokumento, at subaybayan ang mga abiso ng mga awtoridad upang maiwasan ang abala sa biyahe. | Sa panulat ni Reianne Antiquina

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment