Home NATIONAL NEWS Halos dalawang milyong pasahero, inaasahang dadagsa sa PITX ngayong Undas

DOE, Nagbabala na posibleng ma-blacklist ang permit ng mga generation companies na patuloy ang paglabag

by DWIZ 882 September 4, 2026 0 comment
doe

Nagbabala ang Department of Energy na posibleng makansela o ma-blacklist ang mga generation company na patuloy sa paglabag sa mga panuntunan.

Ayon kay DOE Secretary Sharon Garin, handa ang ahensya na higpitan ang pagpapatupad ng kanilang three-warning rule.

Sa ilalim ng naturang panuntunan, ang generation company na makakatanggap ng tatlong warning dahil sa paulit-ulit na paglabag ay posibleng ma-blacklist at mawalan ng permit para makapag-operate. Layunin nitong mapanatili ang maayos at mapagkakatiwalaang serbisyo ng kuryente sa publiko.

Samantala, kinumpirma naman ng DOE na nasa 40 generation companies na ang nakatanggap ng first warning mula sa daan-daang napadalhan ng show-cause order noong Hunyo, kabilang sa binabantayan ang mga paglabag sa Public Service Act at mga panuntunan ng DOE at Energy Regulatory Commission (ERC).

Giit ni Sec. Garin, hindi dapat nagiging dahilan ang pagkasira ng isang generation company para maapektuhan ang mga consumer. | Sa panulat ni Reabelle Medina

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment