Sabi nga ng matatanda, kapag bata ka pa, huwag mo munang problemahin ang pera. Pero ang mga kabataan sa America, hindi na lang napupuyat dahil sa pagbababad sa social media kundi dahil sa stress sa kaiisip sa pera.
Kung paano nangyaring biglaang naging problemado ang mga kabataan sa usaping pinansyal, eto.
Walang duda na mahirap mag-relax sa gabi lalo na kung maraming tumatakbo sa isip mo katulad na lang ng problema sa pera.
Kung noon, mga magulang at matatanda lang ang namomroblema rito, pero ngayon, kabilang na rin ang mga Gen Z o ang pinakabatang generation sa workforce sector ngayon.
Ayon sa isinagawang pag-aaral ng american memory foam mattress and bedding company na Amerisleep sa 1,000 Americans, 49% sa mga ito ang hindi makatulog dahil sa financial stress.
Pero kung hihimayin ito, lumalabas na 52% sa mga ito ang kabilang sa Generation Z, sumunod naman ang 50% ng mga Millennial, 45% mula sa mga Gen X, at 38% ng Baby Boomers.
Kung ano ang partikular na dahilan ng stress na ito? Nangunguna ang inflation na pumalo sa 69%; 43% naman ay dahil sa rent at housing costs; 37% ang dulot ng job security; 21% dahil sa medical bills; at 19% naman ang nagsabi na dulot ito ng retirement planning.
Bukod pa riyan, lamang din sa bilang ang 52% ng mga gen z na lumala ang sleeping problems dahil sa usaping taripa.
Base sa resulta ng pag-aaral, top 3 coping mechanisms ng Americans ang panonood ng TV, pagbababad sa social media, at paghilata sa kama nang mahabang oras o bed rotting na nakakuha ng 45%, 41%, at 31%.
Ayon sa Amerisleep, hindi lang pagtulog ang apektado ng financial stress kundi pati ang paggising nang pagod sa umaga. Sa kasamaang palad, napabilang na ang unhealthy habit na ito sa nighlty routine ng karamihan.
Ang payo nila, bumuo ng bedtime routine nang sa ganon ay magkaroon ng sapat na oras para makapagpahinga ang isip mula sa fiinancial stress, lalo na at hindi naman natin kontrolado ang ekonomiya.
Ikaw, kabilang ka rin ba sa mga nakakaranas ng financial stress? Kung ganon, anong mechanism ang ginagawa mo para mabawasan ang stress at makasabay sa ekonomiya?