Sa mga mahilig makipag-date diyan, ano ang madalas na problema niyo? Kung sino ang magbabayad ng bill? Kung susunduin niyo ba ang ka-date niyo? O kung paano kayo tatakas dahil mabilis kayong na-turn off? Pwes, ibahin niyo ang naging problema ng babaeng ito mula sa Massachusetts na napilitan lang naman maging getaway driver ng ka-date niya na isa palang kriminal.
Kung nakulong din ba ang nadamay na babae, eto.
Bumiyahe patungo sa Chepachet, Rhode Island ang isang hindi pinangalanang babae para sunduin ang kaniyang ka-date na si Christohper Castillo sa bahay ng mga magulang nito.
Ayon sa report, habang nagmamaneho ang babae patungo sa North Attleboro, Massachusetts, umiinom naman ng wine si Christopher na prenteng nakaupo sa kaniyang passenger seat.
Sa kalagitnaan ng byahe, bigla umanong ipinahinto ng lalaki ang sasakyan at iniwan ang kaniyang date para pumasok sa Bristol County Savings Bank.
Sa loob ng bangko, tinakot ni Christopher ang teller gamit ang kaniyang baril at nagdahilan na mayroon siyang iniindang sakit para mabigyan siya ng pera.
Pagkalipas lang ng ilang minuto, humahangos na lumabas ng bangko ang lalaki at pawis na pawis na nagmamadaling sumakay sa sasakyan habang nakasuot ng salamin at sumbrero habang bitbit sa mga kamay ang isang baril at pera na nagkakahalaga ng $1,000 o mahigit P58,000.
Si Christopher, inutusan lang naman ang kaniyang ka-date na magmaneho papalayo sa bangko at ginawa pa itong getwaway driver.
Ang napilitang sumunod na babae, agad na pumreno nang mapansin na mayroong nakabuntot sa kanila na mga pulis at naglakad papalayo sa kaniyang sasakyan.
Doon na naaresto ang lalaki at nahulihan ng .44 caliber gun na pag-aari ng kaniyang stepfather. Makalipas ang apat na taon, napatunayang guilty si Christopher sa paglabag sa armed robbery at three counts of assault and battery.
Sa huli, pinatawan ng limang taong pagkakakulong ang lalaki para pagbayaran ang mga krimen na ginawa nito sa first date nila ng babae.
Gayunpaman, sa kabutihang palad ay hindi pinatawan ng anumang kaparusahan ang babae na gusto lang naman sanang makipag-date.
Sa mga mahilig makipag-meetup diyan, kilalanin niyo muna ang mga nakakausap niyo sa social media. Baka sa halip na makatagpo kayo ng pag-ibig ay matagpuan niyo na lang ang mga sarili niyo sa bilangguan.