Hindi sapat ang pagbibitiw para maabswelto ang mga taong nasa likod ng katiwalian sa gobyerno.
Ito ang binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa gitna ng isinasagawang imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects.
Ayon sa Pangulo, kailangang talagang mapanagot ang sinumang mapapatunayang nagkasala sa paglulustay ng pondo ng taumbayan dahil malaki ang idinulot na pinsala nito hindi lang sa ekonomiya kundi sa buhay rin ng mga tao.
Inihalimbawa ng Pangulo ang mga nasasayang na buhay dahil sa palpak na proyekto na hindi dapat basta na lamang palampasin.