Alam mo ba na maaari mong makuha ang sakit ng mga taong lulong sa paninigarilyo kahit na hindi ka naman naninigarilyo.
Ang tawag dito ay secondhand smoking, kung saan nalalanghap ng isang tao ang usok mula sa mga taong naninigarilyo sa paligid nito.
Kabilang sa mga sakit na maaari mong makuha bunsod ng palaging paglanghap sa usok ng sigarilyo ay sakit sa puso, stroke at lung cancer na maaaring magdulot ng maagang pagkamatay.
Kaya naman payo ng mga eksperto sa mga mahilig manigarilyo, iwasan ang paninigarilyo sa loob ng bahay, sasakyan, at mga saradong lugar kung ayaw mong makapaminsala ng iba.