Binigyang diin ni House Minority Leader Marcelino Libanan na posibleng gawaran ng emergency powers si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang maipatupad nang maayos ang flood control program sa buong bansa.
Sa harap ito ng isyu ng sinasabing palpak na flood control projects na na-ungkat sa gitna ng State of the Nation Address ni Pangulong Marcos matapos ang pananalasa ng mga nagdaang mga bagyo at pinaigting na hanging habagat.
Ayon sa House leader, maaaring bigyan ng Kongreso si Pangulong Marcos ng emergency powers upang masolusyunan ang bureaucratic delays at mga balakid sa implementasyon ng programa.
Sa pamamagitan aniya nito ay mapapabilis ang procurement process, right-of-way acquisition at relocation ng mga apektadong pamilya.
Dagdag pa ng lider ng minorya, na dapat pagsumikapan ito ng gobyerno lalo’t kakailanganin ang police powers sa paglilinis ng iligal na mga istruktura, pagpapatupad ng zoning laws at maprotektahan ang mahahalagang daluyan ng tubig.