Ika nga nila, prevention is better than cure. Kung kahandaan lang din naman ang pag-uusapan, kayang-kaya rin manguna ng Japan. Ang access kasi sa pagkain at inumin, inilapit na mismo sa mga residente kung sakali man na mayroong kalamidad na tumama sa kanilang bansa.
Kung saan matatagpuan ang mga vending machine na ito, eto.
Hindi na lingid sa kaalaman ng karamihan na isa ang Japan sa mga bansa na pinaka tinatamaan ng mga kalamidad katulad ng bagyo, lindol, at tsunami.
Kung darating man ang oras na masalanta na naman ang bansa, hindi na kakailanganin pa ng mga residente na maghintay sa pagdating ng mga ayuda dahil sa mga nagkalat na vending machines dito.
Pero take note, mayroong bagong uri ng vending machine sa Japan na kusang bumubukas para makakuha ng mga libreng inumin at pagkain ang mga residente sa tuwing mayroong inisyu na heavy rain warning o evacuation order matapos ang lindol.
Matatagpuan ang dalawang vending machines sa Western Coastal City of Ako na sinasabing vulnerable sa malalakas na lindol.
Ayon sa manufacturer, nais nilang mag-install ng mga nasabing vending machines sa buong bansa na naglalaman ng 300 inumin at 150 na emergency food items.
Bukod pa riyan, mayroon ding in-install na vending machine sa isang park sa Tokyo na ina-activate ng malalakas na lindol at may kakahayang maglabas ng emergency broadcast.
Mga netizen, sa tingin niyo ba ay kaya rin nating makasabay sa ganitong innovation?