Tatlumpu’t dalawang milyong Pilipino o kalahati ng kabuuang animnapung-milyong adult population ng bansa ang gamblers o sugarol.
Ito ang sinabi ng PAGCOR sa pagdinig ng Senado ukol sa online gambling.
Ayon sa PAGCOR, hanggang noong Hulyo ngayong taon, may na-i-record na 32-point-17-million na “Filipino electronic gaming players.”
Tumaas ito ng halos 200-percent kumpara sa nakalipas na taon kung saan nasa 8.2-milyon lamang sa adult population ang gamblers.
Bunsod nito, nagpahayag naman ng pagkabahala si Senator Sherwin ‘Win’ Gatchalian at sinabing kung hindi ihihinto ang online gambling sa bansa ay posibleng sa susunod na taon ay lahat na ng adult population ay sugarol na.
Binigyang-diin pa ng senador na nakalulusot ang ibang games at operators dahil hindi epektibo ang regulasyon nito.