Tutol ang isang contitutionalist sa pagsasagawa ng constitutional convention o con-con para amyendahan ang saligang batas.
Kinuwestiyon din ni dating Comelec chairman, Atty. Christian Monsod ang panawagan ng Kamara na repasuhin ang konstitusyon.
Aminado si Atty. Monsod na malabong magsama ang dalawang kapulungan ng Kongreso upang talakayin ang charter change dahil magiging dehado ang Senado.
Binigyang-diin ni Atty. Monsod na dapat tukuyin ng mga mambabatas kung anu-anong partikular na salita sa konstitusyon ang dapat linawin.
Dagdag pa ng isa sa mga bumalangkas sa konstitusyon, walang saysay ang mga naunang proposal ng Kongreso na layong baguhin ang saligang batas.