Bukod sa may kaniya-kaniya tayong trip, may kaniya-kaniya rin tayong paraan para maibsan ang stress. Pero ni minsan ba ay sumagi sa isip mo na bukod sa mga babies ay mapapakinabangan ng mga adults ang pacifier bilang stress reliever?
Curious ka na ba sa kung paano nila nasabing nakakatanggal ito ng stress? Ang eksplanasyon ng mga eskperto, eto.
Trending ngayon ang kakaiba at makabagong pang tanggal-stress ng mga adults sa China na adult pacifiers na nagkakahalaga ng 10 at 500 yuan o may katumbas na 80 at 4,000 pesos.
Kakaiba at bago man sa pandinig dahil alam naman nating lahat ang tunay na purpose ng pacifiers, minamarket na ito ngayon sa mga Chinese online shopping platforms bilang stress reliever para sa mga adults.
Nakakatulong din umano ito sa pagtulog at pag-manage ng anxiety.
Kung ano ang eksplanasyon kung bakit nga ba tila bumabalik ang mga adults sa gawain ng mga bata?
Ayon sa Chinese psychologists, hango ang trend na ito sa concept na Regression Phenomenon kung saan hindi sinasadyang nanunumbalik ang isang indibidwal sa earlier stage of development ng mga tao.
Sa kasong ito, ang pacifier na ginagamit ng mga baby ay nagbibigay ng security at comfort sa mga adults.
Samantala, bagama’t may mga benepisyo, delikado rin ang adult pacifiers, partikular na sa oral health dahil ayon kay Dr. Tang Caomin ng Sichuan University’s Huaxi’s College of Stomatology, magkaiba ang oral structure ng mga babies sa mga adults.
Maaari rin itong magdulot ng joint pain and disorderss, clicking sounds, at limitadong pagbuka ng bibig, habang ang matagal na paggamit naman nito ay maaaring magdulot ng mucosal damage at ulcer.
Sa mga stressed na sa buhay diyan, mayroon din ba kayong kakaibang trip na epektibong pangtanggal ng stress?