Namemeligro ng madamay ang Pilipinas sa patuloy na tensyon sa pagitan ng Taiwan at China dahil sa malapit na lokasyon ng bansa.
Ito, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ay matapos mapaulat ang tumaas na aktibidad ng mga barko ng China sa West Philippine Sea, partikular sa Bajo de Masinloc.
Nabatid na may namataang tatlumpung barko ng China sa lugar, samantalang sampung barko lamang ang pag-aari ng Pilipinas.
Binigyang-diin ng Pangulo na hindi dapat balewalain ang sitwasyon at kailangang magkaroon ng malinaw na plano sa paglilikas ng mga mamamayan at sa pagprotekta sa buong bansa sakaling lumala ang tensyon.
Iginiit niya na walang interes ang bansa na umatake sa alinmang teritoryo at nilinaw na hindi pinalalakas ng pamahalaan ang operasyon sa WPS kundi tumutugon lamang sa lumalakas na presensya ng China sa rehiyon.