Iginiit ni Senator Panfilo Lacson na mas mabuting pinili ng Senado na huwag munang kumilos habang hinihintay ang desisyon ng Korte Suprema sa motion for reconsideration sa kaso ng impeachment ni VP Sara.
Sa panayam sa DWIZ, sinabi ni Senador Lacson na nag-abstain siya sa pagboto pabor o laban sa pag-archive ng articles of impeachment, dahil ayaw niyang suwayin ang Korte Suprema pero ayaw rin nitong tuluyang ibaon ang kaso.
Sinabi rin ng mambabatas na ang pag-utos ng Korte Suprema sa lahat ng panig na magkomento sa motions for reconsideration ay indikasyon na bukas itong muling repasuhin ang kaso dahil sa mga sinasabing pagkakamali sa mga facts.
Binatikos din ni Lacson ang ilang kasamahan sa Senado dahil ayon dito halata ang kulay-pulitikal ng mga ito.