Nanindigan si Senate Minority Leader Vicente “Tito” Sotto III na ang pagdedeklara ng Korte Suprema na “unconstitutional” sa impeachment case laban kay Vice President Duterte ay pag-amyenda sa proseso ng impeachment.
Ayon kay Senator Sotto, mahihirapan nang makapag-file ng impeachment case sa mga public officers dahil sa ibinigay na “seven new rules of impeachment” ng High Tribunal.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Senate Minority Leader Tito Sotto na tanging constituent assembly na lamang ang maaaring magtuwid sa inamyendahang rules of impeachment ng Supreme Court.