Sharing is caring. ‘Yan ang motto ng isang stray dog sa Brazil na matyagang naglalakad nang mahaba tuwing gabi para lang makahanap ng pagkain, hindi lang para sa kaniyang sarili, kundi para na rin sa kaniyang mga kaibigan.
kung sinu-sino nga ba ang mga kaibigan ng generous dog na ito, eto.
Naninirahan ang abandunadong aso na si Lilica sa isang junkyard sa Sao Carlos, Brazil kasama ang kaniyang mga kaibigang mga pusa, mga manok, at iba pang mga aso.
Dahil kapwa mga stray animals ang mga ito, wala silang permanenteng pinagkukunan ng pagkain. kung kaya nang magkaanak si Llilica ay nagsimula itong dumiskarte at maghanap ng makakain sa kailaliman ng gabi.
Sa paglalakad ni Lilica, napadpad siya sa bahay ng animal lover na si Lucia Helena de Souza na walang pag-aatubiling nagbabalot ng mga pagkain para sa aso.
Sa gabi-gabing pagbisita ni Lilica, napansin ni Helena na hindi nito inuubos ang mag pagkain na inihahanda niya para rito at umaalis bitbit ang plastic na pinaglalagyan nito.
Dahil dito ay napagdesisyunan ni Helena na sundan ang aso at doon nadiskubre na ang tinitira pala nitong mga pagkain ay inilalaan nito para sa kaniyang mga kaibigan sa tambakan.
Nagtuluy-tuloy at nagtagal ng taon ang nabuong routine nila Lilica at Helena. sa katunayan, si Helena na mismo ang naghihintay sa pagdating ng aso sa kanilang tagpuan.
Ang kwento ng generous dog na ito, nagsilbing inspirasyon at paalala sa mga netizen online na hindi dahilan ang kahirapan para magdamot sa mga kapwa nangangailangan.
Sa mga fur parents diyan, tine-train niyo rin ba ang mga alaga niyo na maging mapagbigay?