“Buhay pa ang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.”
Iyan ang binigyang-diin ng law professor na si Atty. Howard Calleja kasunod ng naging desisyon ng Senado na i-archive ang articles of impeachment ni Vice President Sara Duterte.
Sa panayam ng DWIZ, pabirong inihalintulad ni Atty. Calleja sa isang “pasyenteng nasa ospital” ang kasalukuyang estado ng impeachment complaint laban sa Pangalawang Pangulo.
Aniya, hindi pa patay ang kaso, ngunit pansamantalang nakaantabay ito habang hinihintay ang magiging desisyon ng Korte Suprema kaugnay ng motion for reconsideration sa impeachment.
Ayon pa kay Atty. Calleja, ang pagpapasya sa bisa ng impeachment ay hindi dapat tuluyang patayin habang mayroon pang mga legal na usaping nakabinbin.