Binabantayan na ng Department of Labor and Employment ang posibleng epekto ng ipinataw na 19-percent tariff ng Estados Unidos sa mga produktong galing sa Pilipinas.
Ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma, maaaring maapektuhan ang mga manggagawa sa manufacturing sector.
Bilang tugon, inihahanda ng ahensya ang Adjustment Measures Program upang suportahan ang mga maliliit na negosyo at mapagaan ang epekto ng taripa.
Dagdag pa ng kalihim, ang mataas na buwis ay nagpapabigat sa kakayahan ng mga produktong Pilipino na makipagsabayan sa pandaigdigang merkado.
Matatandaang inanunsyo ni U.S. President Donald Trump ang pagpapatupad ng 19-percent tariff, bahagyang mababa sa unang pahayag na 20-percent para sa mga produkto mula sa Pilipinas.