Dadagdagan ng Department of Education ang annual subsidy na ibinibigay sa private school teachers sa ilalim ng Educational Service Contracting program ng gobyerno.
Sa pagsisimula ng 2026, tataas sa 24,000 pesos ang matatanggap ng mga guro mula sa dating subsidiyang 18,000 pesos.
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, ang isusulong na dagdag sa subsidiya ay nakatala na sa proposed 2026 budget ng DepEd.
Nabatid na ang ESC program ay bahagi ng Government Assistance to Students and Teachers in Private Education o GASTPE, na magbibigay ng tulong pinansyal sa ilang participating private schools sa bansa.
—sa panulat ni Mark Terrence Molave