Nananatili ang ekonomiya ng Pilipinas na isa sa pinakamabilis na lumalago sa buong Asya sa kabila ng mga kaguluhan sa labas ng bansa.
Ayon sa isang post-SONA statement ni Finance Secretary Ralph Recto, dodoble ang size ng pambansang ekonomiya kung patuloy ang anim hanggang pitong porsiyentong paglago nito kada taon sa susunod na sampung taon.
Sinabi pa ni Sec. Recto na five-point-nine percent ang average growth ng ekonomiya ng Pilipinas simula pa noong 2022, kahit na may mga sigalot sa iba’t ibang bahagi ng mundo tulad ng digmaan sa Ukraine at krisis sa Gitnang Silangan.
Dagdag pa niya, ang Pilipinas ay nasa tamang direksyon upang maging isang 37-trillion-peso economy pagsapit ng 2028.
—sa panulat ni Anjo Riñon