Maaari nang tumagal ng mahigit pitong taon ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps, alinsunod sa panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na amyendahan ang naturang programa.
Ayon kay Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian, ang haba ng taon ng pananatili ng isang benepisyaryo sa 4Ps ay nakabase sa kanyang kapakanan, estado sa buhay at kung kaya na nilang suportahan ang sarili matapos gumraduate sa programa.
Samantala, ibinahagi naman ng DSWD na halos isa’t kalahating milyong Pilipino na ang nakapagtapos sa 4Ps mula taong 2022.
—sa panulat ni Mark Terrence Molave