Inaasahan na ng Department of Health ang pagdagsa ng mga pasyente sa mga government hospitals matapos ipag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang “zero-balance billing” sa kanyang ika-apat na State of the Nation Address.
Upang ma-avail ang zero balance billing, kailangang naka-admit sa 87 DOH institutions ang pasyente dahil pagdating sa mga pribadong ospital, nangangailangan na ng karagdagang bayad para sa mga doktor at mga pasilidad.
Hindi rin kasama sa zero-billing ang mga pribadong ospital at apat na government-owned and controlled corporations o GOCCs tulad ng Philippine Heart Center, Philippine Lung Center, National Kidney Transplant Institute, at Philippine Children’s Medical Center dahil sa mas marami ang private rooms sa mga ito kumpara sa basic accommodation.
—sa panulat ni Mark Terrence Molave