Posibleng magkaroon ng tapyas sa interest rate ng Pilipinas bunsod ng labinsiyam na porsyentong taripa ng Estados Unidos sa mga produktong Pilipino.
Ito, ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Eli Remolona Junior, ay kaugnay sa naunang hakbang na utay-utayin ang pagbabawas sa interest rate ng 50 basis points sa ikalawang semestre ng taon.
Gayunpaman, hindi naman nakikita ng BSP ang isa pang interest rate cut kung saan ibababa ito ng 75 basis points.
Dagdag pa ni Remolona, limitado lang ang epekto ng taripang ipapataw ng Amerika dahil hindi naman isang malaking trading economy ang Pilipinas.