Duda si Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero na walang magbabago sa isusumiteng 2026 General Appropriations Act ng kongreso sa Malakanyang.
Binigyang-diin ni Senate President Escudero na walang perpektong panukalang pondo.
Kasabay nito, sinabi ng lider ng senado na ang mahalaga ay transparent o maipapaalam sa publiko ang anumang babaguhin sa panukalang pambansang budget.
Una nang ipinaalala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kanyang ika-apat na SONA na ive-veto niya ang panukalang pambansang budget para sa susunod na taon kapag ang ipinasa ng kongreso ay hindi tumutugon sa priority programs ng pamahalaan.