Malaki ang posibilidad na isama ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang darating na State of the Nation Address ang mga resulta ng kanyang biyahe sa Estados Unidos, lalo na kung ito ay may makabuluhang epekto sa ekonomiya at international partnerships ng Pilipinas.
Ito’y ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, kasabay ng pagsasabing naka-depende ito kung may mga konkretong development na pwedeng ibahagi sa publiko kaugnay ng nasabing foreign trip.
Nabatid na nasa Amerika ngayon ang Pangulo para sa isang official trip, bilang kauna-unahang ASEAN head of state na inimbitahan ni US President Donald Trump mula nang maluklok muli ito sa pwesto.
Samantala, tiniyak rin ni Executive Secretary Bersamin na personal na tinututukan ng Pangulo ang paghahanda para sa kanyang ika-apat na SONA sa darating na Hulyo a-bente otso.
—sa panulat ni John Riz Calata