Kilala naman nating lahat ang Japan dahil sa nakakabilib nitong innovations at advanced technology. Pero maniniwala ka ba na mayroon ding services sa bansa kung saan maaaring mag-renta ng mga tao? Kung namimiss mo ang presensya ng lola mo o namimiss mo na ang luto niya, pwede kang magrenta sa kumpanya na ito.
Kung anong kumpanya ang nakaisip ng matalinong ideya na ito, eto.
Taong 2010 nang i-launch ang Japanese company na Client Services kung saan ino-offer ang sandamakmak na serbisyo katulad ng cooking, cleaning, at babysitting.
Pero ang pinaka mabenta sa lahat ay ang Ok Oppa-Chan o Ok Grandma kung saan maaaring magrenta ang mga kliyente ng lola sa halagang 3,300 yen o 1,265 pesos per hour.
Ang siste, kailangan lang sabihin ng kliyente kung ano ang dahilan niya para magrenta. Isa sa dahilan ng mga kliyente ay kinulang ito ng bisita sa kaniyang kasal, habang ang isa naman ay kinailangan ng chaperone para makipag-break sa kaniyang boyfriend.
Mahigit isandaang senior citizens ang nagtatrabaho sa Client Sevrices. Bagama’t may katandaan na ang mga ito, siguradong subok na ang kaalaman at karanasan nila sa buhay, at naniniwala rin ang mga ito na marami pa silang maiaambag, maitutulong, at maituturo sa mga kliyenteng nangangailangan.
Samantala, ang kumpanya na mismo ang pipili ng lola na ia-assign sa bawat kliyente depende sa kanilang pangangailangan. Bukod sa paunang bayad, sagot na ng kliyente ang budget ng mga lola katulad ng pamasahe at anupamang gastusin.
Sa mga maka-lola diyan, namimiss mo na ba ang lola mo? Kung ganon, interesado ka ba sa offer na ito para mapunan ang pangungulila?