Ipinanawagan ni Vice President Sara Duterte sa International Criminal Court na bitawan na ang kaso ng kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay V.P. Sara, mga Pilipino dapat ang magdesisyon sa kaso ng dating Pangulo dahil mga Pilipino ang sangkot sa problema.
Aniya, ang kaso na lamang ng kanyang ama ang natatanging hawak ng ICC.
Si dating Pangulong Duterte ay kasalukuyang nasa kustodiya ng nasabing korte dahil sa kasong crimes against humanity matapos ang ipatupad ang drug war campaign noong kanyang administrasyon.