Ang maipit pa nga lang sa traffic sa loob ng limang minuto ay kayang-akya nang painitin ang ulo mo. Pero paano kung napabilang ka sa mga motorista o commuter na naipit sa nangyaring traffic jam noon sa china na tumagal lang naman ng labindalawang araw? May magagawa ka pa ba?
Kung bakit at paano ito nangyari, eto.
Agosto noong 2010 nang magkaroon ng maintenance construction sa isang lugar sa China na inasahang matatapos pagdating ng September.
Bukod sa traffic at mga dumaraang sasakyan sa China National Highway 110, sumabay pa ang mga truck na may sakay na mga construction materials na siyang nagresulta sa matinding trapiko na umabot ng isandaang kilometro.
Isa pa man din ang Highway 110 sa mga ruta na maaring daanan patungo sa capital ng bansa.
Katulad ng tipikal na heavy traffic na nararanasan natin, nagresulta rin ito sa pagpapalitan ng busina ng mga motorista. Sa sobrang bagal ng usad ng mga sasakyan, hindi na nila namalayan na halos dalawang linggo na silang nakatengga.
Ang mga residente na naninirahan malapit sa kalsada, sinamantala at pinagkakitaan ang trapiko at nagbenta sa mga na-stuck na motorista ng mga pagkain na doble-doble ang patong.
Samantala, ang trapiko na inabot ng labindalawang araw, binansagang worst traffic jam sa history ng China.
Kung ikaw ang naipit sa heavy traffic na ito? Papatusin mo na lang din ba ang doble-presyong mga ibinebentang pagkain?