Aminado ang Philippine National Police na mahirap itugma ang D-N-A ng mga nawawalang sabungero sa mga butong nakuha sa Taal Lake.
Ayon kay Police Lt. Col. Edmar Dela Torre ng PNP Forensic Group, komplikado ang proseso, mula pagpapatuyo ng buto hanggang sa pagtiyak kung ito ay buto ng tao o hayop.
Dagdag pa niya, mas mahirap ito dahil galing sa ilalim ng tubig ang mga buto, na maaaring makaapekto sa kondisyon ng mga ito.
Ipinunto rin ng opisyal na kapag nasuri na at nakumpirma ang uri ng buto, saka pa lamang pwedeng buuin ang D-N-A profile para maikumpara sa D-N-A ng mga kaanak ng mga biktima, gaya ng magulang o anak.
Pagtitiyak naman ng PNP na bagamat mahirap ang proseso ay kanilang sinusunod ang matagal nang umiiral na forensic protocol na kinikilala ng korte.