Kinumpirma ng Department of Budget and Management at Department of Education na wala na sa pwesto ang mga opisyal mula sa kagawaran na sangkot sa sinasabing mga overpriced laptop na binili para sa mga guro noong kasagsagan ng pandemya.
Ito’y matapos iutos ng Office of the Ombudsman ang pagsasampa ng kasong kriminal laban kay dating Education Secretary Leonor Briones at labing tatlong iba pa.
Kabilang din sa mga dating opisyal ng Procurement Service ng DBM na pinangalanan sa reklamo ay sina Lloyd Christopher Lao, Jasonmer Uayan, Ulysses Mora, Marwan Amil, at Paul Armand Estrada.
Tiniyak naman ng dalawang kagawaran na makikipagtulungan ito sa Ombudsman para sa imbestigasyon.
Matatandaang pinuna ng Commission on Audit ang pagbili ng DepEd sa mahigit 39,000 laptops sa halagang 58,300 pesos kada isa, na itinuturing na overpriced at luma na.