Tukoy na ng Department of Justice ang mismong lugar sa Taal Lake kung saan ibinaon ang mga nawawalang sabungero.
Ayon kay Justice Secretary Crispin Remulla, may lead at mga saksi na silang makapagtuturo ng eksaktong lugar na sisisirin upang mahanap ang mga bangkay ng nawawalang sabungero.
Maliban dito, meron na rin aniya silang mga impormasyon hinggil sa planong pagsasagawa ng diving operation. Gayunman, aminado ang kalihim na hindi biro ang operasyon lalo na’t nasa 200 square kilometers ang lawak ng Taal Lake.
Determinado naman ang DOJ sa paghahanap sa bangkay ng mga sabungero kung totoo man ang isiniwalat ni Julie ‘Dondon’ Patidongan o “Alyas Totoy” na nailibing na ang mga ito sa naturang lawa.
—sa panulat ni Mark Terrence Molave