Isinusulong sa Senado ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada ang panukalang batas na naglalayong tanggalin na ang mandatory senior high school level sa K to 12 program
Ayon kay Senador Estrada, ito’y upang gawing mas makabuluhan ang sistema na basic education sa bansa.
Bigo naman ayang maisakatuparan ang dapat sanay pakinabang na matatamo sa senior high school
Binigyan-diin pa ng Senador na samu’t saring batikos at pagtutol mula sa iba’t ibang sektor ang kanilang narinig nang ipatupad ang repormang ito sa edukasyon.
Sa loob ng labingdalawang taon, mula nang maisabatas ito, hindi pa rin anya ganap na nakakamit ang layunin ng Republic Act no. 10533 o ang Enhanced Basic Education Act of 2013.
Giit pa ng Senador, hindi natin pwedeng hayaan na patuloy na maging pasanin ng mga estudyante at kanilang mga magulang ang dagday na oras at gastos ng senior high school.
Sa inihaing Senate Bill no. 3001 ni estrada, amyendahan ang RA 10533 kung saan iminumungkahi ang isang taong edukasyon sa kindergarten, anim na taon sa elementarya at apat na taon sa secondary education.