Kumpiyansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na malaki ang magagawa ng bagong liderato ng Philippine National Police sa katauhan ni General Nicolas Torre III upang maabot ang nais na uri ng PNP.
Ito, ayon sa pangulo, ay ang pulisyang kumikilos nang may pag-iingat, tumutugon nang may malasakit, at may pananagutan.
Aminado si Pangulong Marcos na hindi ganoon kadaling maabot ang oportunidad na makamit ang tiwala ng publiko at mapabuti pa ang pagseserbisyo sa mga ito.
Mensahe naman ng Presidente kay General Torre, ang pagkakatalaga nito sa kanyang bagong tungkulin ay nataon sa panahon kung saan kailangang magpakita ng katapangan at paninindigan sa harap ng mga hamong dapat kaharapin.
—ulat mula kay Gilbert Perdez (Patrol 13)