Ang paggamit ng makeup ay isang form of self-expression na ginagamit din para mag-enhance ng facial features, kung kaya nga marami ang nahuhumaling dito. Pero ang babaeng ito sa China, hindi umano nakilala ng airport scanner dahil sa kaniyang excessive makeup at tila napahiya pa nang ipatanggal ito ng airport staff.
Ang buong kwento ng sinapit ng babae, eto.
Nag-viral kamakailan lang sa Chinese social media platform ang video ng isang babae na nagmamadali sa pagbura ng kaniyang makeup.
Kuha ito sa loob ng shanghai airport ng pinaniniwalaang isang airport official na maririnig na pinagsasabihan ang babae na burahin ang kaniyang makeup.
Ito ay dahil hindi umano makalagpas sa facial recognition scanner ang pasahero dahil hindi ito makilala dulot ng heavy makeup.
Maririnig pa na sinabihan ng tao sa likod ng camera ang pasahero na burahin nito ang kaniyang makeup hanggang sa maging kamukha na nito ang picture na nakalagay sa kaniyang I.D.
Bukod pa riyan, kinwestyon din nito ang pasahero kung bakit ito lumalabas ng bahay nang mayroong makapal na makeup.
Samantala, umani naman ng samu’t saring komento ang video at kabilang sa mga ito ay ang pagpapaabot ng simpatya sa pasahero dahil sa inabot nitong panenermon. Habang ang iba naman ay pinuna ang modern scanners na dapat daw ay nare-recognize na ang mga tao kahit pa mayroon silang makeup.
Sa mga mahilig mag-makeup diyan, ano ang rekasyon niyo sa sinapit ng babae? Makatarungan ba ang naging approach dito ng opisyal?