Nasa 160,000 ang bilang ng mga kulang na classroom sa mga pampublikong paaralan sa bansa.
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, isang malaking suliranin ito sa papalapit na balik-eskwela sa Hunyo lalo pa at hindi na kayang tugunan ng kanilang budget ang tumataas pang classroom shortage.
Dahil dito, posibleng magsagawa pa rin ng shifting ang mga klase sa mga public schools upang lahat ng estudyante ay makapasok sa eskwelahan.
Nakatakda ng magsimula ang pagbubukas ng klase sa Hunyo 16 at tinatayang magtatapos sa katapusan ng Marso sa susunod na taon.
—sa panulat ni Mark Terrence Molave