Pinahaharap sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang isang taxi driver na inireklamo ng pasaherong si angelica de rueda matapos umanong hindi ito magbalik ng sukli mula sa ibinigay na isanlibong piso ng biktima noong madaling araw ng Mayo a-kwatro.
Ayon sa ulat, ang insidente ay naganap sa isang taxi na may plakang ABL 2026.
Inakusahan ang driver ng iligal na “contracting of passengers” matapos tanggapin ang bayad at hindi na ibalik ang sukli.
Sa inilabas na show cause order, ipinag-utos ng LTFRB na humarap ang driver at operator ng nasabing taxi upang pagpaniwanagin kung bakit hindi dapat suspindihin, kanselahin, o bawiin ang kanilang certificate of public convenience.
—sa panulat ni Jasper Barleta